Prologue II

[ PJ's POV ]

Paul Jake Kevin Alonde. They called me as Kevin, but I hate it so much. So I change it to PJ for short. 13 years old. 1st Year High School. I have her. But our luck doesn't seem well. So she leaved me. I hope everyday, just one sign from her. Good news about her, I prayed, I wished but it end up nothing.. I should not wait for her. But I made a promise with her. I'm a type of a guy that can't break promises. I shall continue life and find her..

---------------------------------------------------------------------------------

Nagpapractice ako ng violin. Simula nung umalis si Penpen, ginawa ko lahat para matutong tumugtog ng violin. Masakit nga siya sa kamay pero worth it naman. Si Penpen kasi.. Siya yung tipo na tao na mahilig makinig ng mga soft, calm, and relaxing songs. Wala siyang ginawa kundi makinig habang natutulog. Galing din niya no? Ayun kasi ang nagpapatulog sa kanya. Isang beses nga kinantahan ko siya ng isang relaxing na kanta. sabi ba naman, "sa susunod, gusto ko nagtutugtog ka na ng violin habang kinakanta mo yan!" tapos ngumite siya sakin. mga ngiteng yun.. ang hindi ko makakalimutan.. 

Days passed by.. my isang hindi ko ma-eexpect na mangyayari..

Dumating siya..

Pero, siya ba yun?

"Hi Kevin!" tinitigan ko siya ng maigi.
"Penpen? Ikaw ba yan?" bigla siyang nagsmirk.
"oo naman! bakit? hindi ko na ba kamukha yung bata pa tayo?" oo e. pero sabagay, ganun talaga pag matured na nag-iiba yung itsura. hays.
"ah. wala lang.." biglang sumingit si Mama.
"ano ba kayong dalawa ha?! matagal lang kayong hindi nagkita hindi na kayo close? e di ba magbestfriends kayo? nako naman! kayong dalawa ah!" tsk. pambihira naman tong si Mama. parang may mali kasi e.. haaaays. pabayaan ko na nga!

"sorry po Tita.." Tita? Tita tawag niya kay Mama? bakit dati Mama Pauline tawag niya kay Mama dati? tapos naging Tita? hmm.. I smell fishy..

"Tita?"
"Oo. bakit?" hindi ba niya alam?
"Dati kasi hindi Tita tawag mo sa Mama ko e."
"Kevin, people change. At isa nako dun. okay? just forget about the past. let's start in the beginning!" eh? forget about the past daw! kala ko ba walang kalimutan? bakit ganito, gusto mo nang kalimutan ang lahat. My nasesense ako. Malakas ang kutob ko dito kay Penpen..

Dumating din ang araw ng entrance exam. Sa Yumo University.

Nakasagot naman ako. Kahit konti lang ang napag-aralan ko. Stock Knowledge lang naman ang kailangan e. talaga? OO! di nga? HAYS! ewan ko sayo konsensya! lolo mo. patay na! ulul. ABA! ssshhh. :| bwisit yan! ARGH. lumabas ako para umuwi na kaso..

"Kevin!" tss. dati ko pang sinasabi sa kanya na PJ nalang ang tawag sakin. pero Kevin pa din!
"Di ba sinabi ko sayo wag mo kong tatawaging Kevin. ang baduy kaya. PJ na nga lang."
"Tch. Nakilala kita sa pangalan na Kevin. Tsaka pang gwapo naman yung Kevin ah!" nang-aasar ba to?
"tss. fine. whatever. ihahatid na nga kita!" ngumite naman siya. kinikilig? HAHA.

naglakad na ako tapos kinuha ko yung motor ko. hinagis ko sa kanya yung helmet.

"eh?" ah? ih? oh? uh? tss.
"ano? gusto mo bang mahuli tayo ng pulis?!" umiling siya.
"yun naman pala e."
"tch. ang hina mo talaga!" huh? ako pa ang naging mahina e? humarap ako sa kanya.
"don't you get it?! ikaw ang magsuot ng helmet sa ulo ko." ano ako utusan?! tss. hindi naman siya ganun dati ah! kinuha ko naman yung helmet sa kamay. isinuot ko sa kanya. tumingin ako diretso sa kanya. but something caught me in sight..



a girl with a cap looking towards to me..

sakin nga ba?

tumingin ako sa likod ko, wala naman tao. pader na kasi yun walang tao makakadaan. edi sakin nga? baka may kras sakin kaya nakatingin.

"uy." hindi ko pinansin si Penpen. nakatingin pa din ako dun sa babae. bigla siyang siniko yung lalaking kasama niya. tapos umalis na siya with that guy..


HOW WEiRD.

"PAUL JAKE KEViN ALONDE!" aba! talagang buong pangalan ko ah!
"ANO?!" tumingin siya sa likod kung san ako nakatingin. dun sa pwesto ng babae.
"tera na nga! ang inet na oh!" kaasar to!

umalis na kami. nakita ko ulit yung babae.. medyo pilay siya kaya inaalayanan siya nung lalaki. pagkadaan ko, bigla ba naman tumingin. and my eyes went like this -> O.O bigla siyang huminto sa paglakad. napabreak tuloy ako.

napayakap sakin si Penpen sakin ng mahigpit. 
"bakit? may problema?"
"h-ha? w-wala.." ang lakas ng kutob ko dun sa babae.. parang.. 




siya yung matagal kong hinahanap..