[ Sam's POV ]
After 3 days, pasukan na. Kaya eto ako ngayon. Kasama si Kris, bibili kami ng gamit para sa school. Una sinundo ko siya sa kanila tapos nagcommute na kami papunta sa SM. Habang nasa jeep..
"Sam.. Sa tingin mo? Pumasa kaya si Kevin?" haays. yan na naman Kevin na yan! Lagi nalang siya yung topic kapag kasama ko to. wala na bang iba?
"uhmm.. siguro. why?"
"haaay. sana pasado siya.." tapos tumahimik na siya. hindi man lang sinagot yung tanong ko oh! tsk.
nakarating na kami sa SM. edi pumunta agad kami dun sa National. Bumili kami ng notebooks, ball pens, papel, stabilo, mga folder, envelop at kung anu ano pang anek anek na kailangan sa school. HAHA. After how many years, tapos na kami pumili. Kaya ayun, pumila na kami. ang haba nga ng pila e. siguradong matagal to.
"Kris, ako nalang pipila. hintayin mo nalang ako."
"oh sige. sabi mo yan.." tapos umalis na siya. ewan ko kung san pupunta yun.
[ Kris' POV ]
"oh sige. sabi mo yan.." umalis agad ako. Pumunta ako dun sa mga books section. HAHA. Hinanap ko agad yung libro ng, 'Dairy of a Whimpy Kid'. Natutuwa kasi ako sa mga kwento neto e. Binasa ko lang yung first part. Tapos sinita ako ng guard na bawal basahin. Edi wag! tinignan ko yung presyo.
* GULP *
napalunok lang ako dun sa presyo. ugh, nevermind. HAHA. you know how much? 600 pesos. grabe ah! maghahanap nalang ako yung mga mura mura. tapos may nakita ako na libro. Favorite ko tong movie na yun! may libro pala siya? Binasa ko ulit yung first part. Grabe kakaiyak. Sinarado ko agad yung libro. Baka sitahin ulit ako. HAHA. btw, 'The Lovely Bones' yung title. Bumuhos luha ko niyan habang pinapanuod ko yun. Parang wala na nga ako ipipiga e. HAHA. Tinignan ko yung presyo.
* GULP *
hays! grabe ah! ginto ba to?! napalunok na naman ako for the second time. iniwan ko na yung libro. baka masira pa yan. bayaran ko pa! alam ko naman yung storya e. bakit ko pa babasahin di ba?? HAHA. naghanap ulit ako. liko dito liko doon. Naghanap ako ng mga pocket books. Malamang mura lang yun. HAHA. mga 100-200 pesos lang yun. Kaya todo todo ang pagsearch ko. And atlast! may nakita na ako! HAHA. Ang title, 'My Imaginary Ex-Boyfriend'. Mukhang interesting e. And the price is.. 150 pesos! HAHA. mura na yan. medyo makapal nga siya e. Pero keri ko to. :)) Kukunin ko na to. Habang binabasa ko yung first part ng story..
* BUMP! *
aish! tumama sa noo ko yung libro. e matigas pa man din yun. kaasar naman to! ARGH.
"s-sorry. hindi ako nakatingin sa dinadaan--" tumingin lang siya sakin. eh?
"okay lang ako." tapos hinawakan ko yung noo ko. ang sakit talaga!
pero ang swerte ko, ang gwapo! HAHA. nakatingin lang siya sakin. OH-KAY. nahihiya ako sa itsura ko. >___<
"Kevin! Nasan ka ba? Magbabayad na ta--" hala. baka girlfriend niya yun.
[ RR's POV ]
"Kevin! Nasan ka ba? Magbabayad na ta--" tayo.. kausap niya si Kris?! hindi pwede to. kailangan kong gumawa ng move! hinawakan ko si Kevin, I mean.. PJ. HAHA. sa balikat.
"Babe, bayad na tayo. tapos umuwi na tayo. gusto ko nang magpahinga e." tapos tumingin ako kay Kris. Ano ka ngayon? HAHA.
Well, hindi pa niya alam na siya si Kevin, na kababata niya. Pero once na nalaman niya. Sorry nalang siya. Pagmamay-ari ko na siya e. HAHA.
"S-sorry po sa abala." tumalikod na siya. WAHAHA. Napakabulag niyong dalawa! magkaharap na nga kayo naghahanapan pa kayo. Natutuwa ako sa mga nangyayari sakin. HAHA.
[ Sam's POV ]
Nasan na ba si Kris? Tapos ko na pala ibayad yung nabili namin. Tsk. San nagpunta yung babaeng yun? Hinanap ko siya sa buong National. Atlast, nasa Book Section lang pala siya. With.. RR and Kuya JB?! Ay. Si Kuya JB ba yun? Or baka kamukha lang niya?
"S-sorry po sa abala." tapos tumalikod si Kris bali naka harap na siya sakin. napatingin sakin si RR.
"Sam?" nagsmirk ako sa kanya.
"Long time no see!" tapos parang nag-aalangangin siya.
"ah.. eh.. ano.. hehe.. oo nga e. busy e.."
"talaga? what kind of stuffs?" napalunok nalang siya.
"like.. ah! entrance exam. nag-aral kasi ako ng mabuti dun e." tss. ang galing mo naman!
"oh? wala ka pa ring pinagbago. your still the same RR I met before. LiAR."
btw, who's RR in my life?
Siya kasi yung pinakilala sakin ng parents ko before. Sabi nila, kailangan ko maging close sa kanya. Bakit? Para sa company ni Dad. Kapag nalugi ang company ni Dad, nandyan yung company ng Dad ni RR para saluhin. Kapag naging close kami, i-eengage kami tapos kasalan. Grade 6 ako siya Grade 5. Bata pa namin no? Kung anu-ano na iniisip ng mga parents namin. We didn't get well, lagi nga siyang nagsisinunggaling sa Dad niya na super close na kami. mga ganung stuffs, pero hindi naman! kaya ayun. sabi ko kay Dad na may iba akong mahal kahit wala pa. Pero duamting din yung time na nandyan si Kris. Tumibok bigla yung puso ko. Nabuhayan ng loob ang puso ko. HAHA. masasabing corny yet its true. XD
"uhmm excuse me? hindi kami makarelate e."
"Hoy Kuya JB! nakwento ko na sayo dati ah! nakalimutan mo na ba?"
"Kuya JB?" sabi ni RR.
"Oo bakit?"
"You're such a dumbass! Kapatid siya ni Kuya JB. Si PJ or
I should say..
..Kevin."